Friday, July 9, 2010

Bigger Problems Occurred On July 8

Noong July 8, 2010, 2:30am, tinawagan ko ang guard para ireport ang pag iingay na naman ng mga taga unit 9353 (12am pa nagsimulang mag ingay mga yan). Pagkatapos silang pagsabihan ng guard, lalo silang nag ingay, pinupukpok ang kama sa sahig ng madaming beses, etc. Nireport ko uli ito sa guard, tinawagan ko ang barangay at pulis para rumesponde. Makalipas ng ilang minuto, dumating ang guard at mga barangay tanod, pinagsabihan sila, imbes na tumigil, nilusob ako ng isang lasing na nag iingles, pinagtatadyakan ang pinto ko, nagsisigaw, minumura ako, lumabas daw ako, laking Amerika daw siya at magsuntukan kami. Lumabas ako ng unit ko, sinalubong ako nitong Fil Am, Kerr Sismoan, Philip (Pinsan ni kerr), at isa pang di ko nakilala. Pinagmumura nila ako, dinirty finger, tinawag akong bakla at hinamon ng suntukan. Inawat sila ng mga guard at mga tanod. 15 minutes nagtagal ang pangyayaring ito, bumaba ako sa ground floor dahil dumating na ang mga pulis. Kinausap ko sila, advise nila na ayusin ito sa barangay. Pumunta ako sa guard house kasama ang guard para gumawa ng report. Nung pabalik na ako sa unit ko bandang 3:45am, sinamahan ako ng guard, nakita namin na nakadungaw sila sa bintana nila at mukhang babatuhin kami ng bote, naisipan namin na bumalik na lang sa guard house. After 30 minutes, nagpasama uli ako sa guard sa unit ko, pero nung nsa hagdanan pa lang kami sa ground floor, nakita ng guard na inaabangan ako sa hallway, nakita nila ang guard at nagsisigaw ng " Oh, ano na!!!" Bumalik uli ako sa guard house at nagpalipas hanggang 6am. After 6am na ako nakabalik sa unit ko.

No comments:

Post a Comment