Wednesday, July 7, 2010

Drugs

Bakit gabi gabi gising ang mga taga unit 9353, nag iingay at umaabot pa ng 7am ang pag iingay nila. Nag iinuman at nagiging wild, nakaka istorbo na sa mga ibang residents na gustong magpahinga at matulog dahil may trabaho pa kinabukasan. Mula parking lot pa lang, nagsisigawan na, paakyat ng hagdanan hanggang makapasok sa unit nila. Tuloy tuloy ang sigawan, pinupukpok ang sahig nila, binabagsak ang gamit sa sahig na nagvivibrate hanggang sa unit ko, tawanan at cheering na parang nasa basketball game sila. Alam ko nananadya na ang mga ito, sabi nga ni Kerr last month, KUNG DI MO KAYA ANG INGAY NAMIN, UMALIS KA!!! PWEDE NAMING GAWIN ANG GUSTO NAMIN HABANG NASA LOOB KAMI NG AMING UNIT. Sabi naman ng pinsan nya na mataba, KUNG GUSTO MO NG TAHIMIK, TUMIRA KA SA BUNDOK!!!

Hindi normal na hindi natutulog ang isang tao, hindi kaya ng isang pangkaraniwang tao na gising 24 oras o higit pa pwera lang kung gumagamit ng drugs na kagaya ng Shabu. Tsaka iba ang ikinikilos nila, kapag pinagsasabihan sila ng maayos na huwag mag ingay, sila pa ang galit at lalong iniingayan para mainis lalo yung nagrereklamo. Binigyan na sila ng sanction with a penalty of cash. Bakit tuloy tuloy pa rin ang pag iingay at lumala pa? Di normal ang ganitong klaseng reaksyon. Kaya pumapasok sa isipan ko na baka naka Shabu ang mga ito. Iniimbestigahan ko na ito ngayon, kapag napatunayan ko na gumagamit ng drugs ang mga ito, irereport ko ito agad sa PDEA.

1 comment:

  1. Me computer shop yang mga sa Sauyo. Dun sa me tayaan ng lotto run sa me labas lang ng Spazio. Open daw yun hanggang 6am kaya gising sila hanggang ganung oras. Malamang nga ma adik yang mga yan. Kung hindi, taniman mo ng shabu saka ka tumawag sa PDEA para mapaalis na ang mga mayayabang na yan.

    ReplyDelete